Food and health has not been so much of a focus when it comes to the Lordship of Jesus. Woah there. “Food and heath” nasa isang sentence kasama ng “Lordship.” Parang, what?Medyo ka aura pag ginamit mo sa isang sentence yung “Twilight” at “Shakespeare”. Ang labo. An’layo.

“Serious” issues that are “deemed worthy” of a person consulting with his/her leader, is “deserving” of surrender when rebuked/pointed out, or even deserving of correction alone, usually only include (but are not limited to) issues on identity, security, acceptance, love, love life, family, direction, calling, forgiveness, lust, pride, greed, etc. mga ganyang labanan. But health is, more often than not, left out, or is not even considered to be on the list.

Pag sinasabi yung different areas of life, laging relationships, finances, time, academics, work, ministry or basta mga katunugan lang n’yan. Labas yung pagkain. Pagkain ‘yun e. Grabe naman. Labas na yung tulog. Labas na yung pag eexercise.

Pero kung, “confessing Jesus is Lord implies a submission to His Lordship in every area of life”, anong kasama ‘dun?

Pag sinabing do not touch that, anong gagawin mo?

Do not touch that.

Pag sinabing let go?

Let go.

Pag sinabing every area?

***

I understand that we have certain tasks na kailangang tapusin kaya nag pupuyat tayo, o hindi na nakakakain, or napipilitang kumain ng kung ano man.

Hindi ko rin sinabing wag ka na ulit magpupuyat, kakain sa Jollibee, papapak ng condensed milk, kakain ng Piatos, maglalagay ng kahit na anong processed/ artificial/ preserved/may food coloring, prinito, may sugar, may additives etc. sa katawan mo.

Sadyang masarap naman talaga kasi. Besides, God has given us tastebuds to enjoy eating. ‘Di ba napaka lupet na hindi lang lump of flesh ang dila na walang nalalasahan? Pwede namang wala nalang tastebuds, makakalunok parin naman tayo. Pero kaya meron yan kasi gusto rin ni God na pati pag kain, naeenjoy natin. He has given us eyes and minds capable of seeing and appreciating beauty to appreciate beauty. Okay lang naman iadmire si Oppa. Okay lang na kumain ng  sisig. God loves to see His sons and daughters enjoy the gifts He has given.

Pero hindi para abusuhin.

It’s more than just food, pwede ba ‘to o hindi, sleeping habits, and exercise. It’s more of a question of, are you being a good steward of what God has given you? Are you honoring Him with the way you handle your body?

‘Di ba pag mahal mo, iingatan mo yung mga binibigay n’ya?

Kasi kung ako, ako lang naman ha. Pag mag bibigay ako ng regalo sa anak ko, matutuwa ako kung iingatan n’ya. Matutuwa ako kung gagamitin n’ya sa paraang dinesign ko. Yung mga siko, tuhod, balikat, may joints yan para gumalaw galaw. May mga hormones hormones pa na nakakatanggal stress para bonus. Ganun ko kasi s’ya ka mahal.

Pero okay lang wag mong ingatan yung katawan mo. Okay lang naman eh. Unless gusto mong mag settle. Unless you want to break the heart of God.

Grabe naman, break the heart of God agad?

Um, oo? Hindi ba nakakabreak ng heart idesign lahat ng cells sa katawan, mga buto-buto, mga micro hulabalu tapos hindi s’ya iingatan? Imagine something na sobrang pinag-isipan at pinag planuhan mo. Thesis man ‘yan, final paper, project na malupet, painting, kanta, basta binuhusan mo ng puso at isip para sakanya.

Bawat dangling modifier inayos mo.

Bawat screw pinihit mo ng tama.

Bawat tuldok, precise.

Pero pagkabigay mo (sa taong mahal na mahal mo [ilagay natin sa God level] to the point na binigay mo yung kaisa-isa mong Anak para sakanya, take note hindi mo naman s’ya kailangan to exist), hindi n’ya iningatan for some reason, whether because it is just not taken seriously, it was forced, or done with the intention of serving others atbp.

‘Di ba nakakalungkot? ‘Di ba medyo masakit? ‘Di ba nakakabastos?

“Onti lang naman.”

“Eh deadline na mamaya, ‘Di ko pa tapos.”

“Nag didisciple pa ‘ko.”

***

But of course, this is a continuous walk. Sana may struggle. And I am no way perfect in this area. Masarap naman talaga kasi? Medyo pareho lang na masaya kasi pag kasama ko s’ya. ‘yoooon. Same same.

It takes a decision, friend.  Besides, hindi lang naman ikaw yung magbebenefit e, pati ibang tao. If you really want to be used by God, take care of the body He has given you, pwede ka parin naman N’ya magamit kahit bed-ridden ka na syempre, pero ‘di ba mas madali at mas marami kang marereach kung hindi?

Besides, masayang tumanda na hindi ka lang taga bantay ng bag. Na kakawentuhan mo parin ung mga apo mo, ikwekwento mo kung pano ka na reach out, pano mo nakilala si “Darleng my love so sweet” na lolo/lola na nila, macocorrect mo yung grammar kung mali, mapapatay mo parin yung lamok na umaaligid sakanila.

Maaalagaan mo parin s’ya.

Or pwede rin namang masagasaan ka na mamaya. Or malaglagan ka ng aspile sa siko tapos mainffect tapos namatay ka na. ‘Di natin sure. Pwede naman.

Pero still, bottom line, are you honoring God?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s